Fun, Learning, Friendship and Mutual Respect
START  HERE


Unregistered
Go Back   HeliFreak > R/C Helicopters > International Helicopter Support Forums > Filipino


Filipino Filipino speaking Forum


Reply
 
Thread Tools Display Modes
Old 05-11-2009, 06:08 PM   #1
amcutem
Registered Users
 

Join Date: Feb 2009
Location: B.C. Canada
Default Hayop! Crash nanaman!!!!

OMG, sawang sawa nako mag crash!!! Badtrip!

Kahapon, sinubukan kong mag flip. Ok naman. Pero yung pangatlong subok ko, nag crash ung helicopter. dito strory oh...->

http://www.helifreak.com/showthread.php?t=138169


Ok lang sana eh....Pero kanina finally naayos ko na uli yung heli. This time, kinabitan ko naman ng Align Woody blades. Nawasak na kasi yung HK450 stock blades..

Nag hover ako for a few seconds. Ok naman... Tapos nakita ni Ermats sa balcony, sabi sakin, bat ang baba ng lipad. Eh di pinataas ko. Sabi ko pa wow, ang smooth ng ikot ng main rotor compared to the HKwoodie. Tapos nung pinabalik ko, biglang nawalan ako ng control. Tapos, yun, bumagsak sa cemento! Sumabog yung bago kong blades(18$cad), pati yung head may sira. Yung bagong boom, baluktot din. Ang masakit, pati battery ko yata nasira din. May butas.

Nakakaasar. Ka bubuo ko lang wasak nanaman.

Hindi na nakakatawa to ah......
amcutem is offline        Reply With Quote
Old 05-11-2009, 08:21 PM   #2
dondon
Registered Users
 

Join Date: Jul 2006
Location: SoCal
Default

Buo ulit tapos lipad na naman. Ganon talaga yan, part ng learning experience. Kung meron ka budget, mas madali pag 30 or 50 size na heli. Ganda visibility, stable kaya mas mabilis yung progress mo.
dondon is offline        Reply With Quote
Old 05-11-2009, 08:51 PM   #3
rubbersoul
Registered Users
 
Posts: 662
 

Join Date: Jun 2008
Location: San Francisco
Default

Quote:
Originally Posted by amcutem View Post
OMG, sawang sawa nako mag crash!!! Badtrip!

Kahapon, sinubukan kong mag flip. Ok naman. Pero yung pangatlong subok ko, nag crash ung helicopter. dito strory oh...->

Inverted Crashing - HeliFreak



Ok lang sana eh....Pero kanina finally naayos ko na uli yung heli. This time, kinabitan ko naman ng Align Woody blades. Nawasak na kasi yung HK450 stock blades..

Nag hover ako for a few seconds. Ok naman... Tapos nakita ni Ermats sa balcony, sabi sakin, bat ang baba ng lipad. Eh di pinataas ko. Sabi ko pa wow, ang smooth ng ikot ng main rotor compared to the HKwoodie. Tapos nung pinabalik ko, biglang nawalan ako ng control. Tapos, yun, bumagsak sa cemento! Sumabog yung bago kong blades(18$cad), pati yung head may sira. Yung bagong boom, baluktot din. Ang masakit, pati battery ko yata nasira din. May butas.

Nakakaasar. Ka bubuo ko lang wasak nanaman.

Hindi na nakakatawa to ah......
Nag papraktis ako sa sim at least 3 hours a day. magugulat ka sa tulong ng sim.
rubbersoul is offline        Reply With Quote
Old 05-11-2009, 11:33 PM   #4
Sundance_kid
Registered Users
 

Join Date: Jan 2009
Location: Manila
Default

Ramdam ko pagka ngit ngit mo sa pagkaka kwento mo ah hehehe, pag ganyan pahinga muna isang lingo wag silipin ang heling sira, counter strike muna or ibang games para makalimot

Last edited by Sundance_kid; 05-12-2009 at 06:46 AM..
Sundance_kid is offline        Reply With Quote
Old 05-12-2009, 01:31 AM   #5
amcutem
Registered Users
Thread Starter Thread Starter
 

Join Date: Feb 2009
Location: B.C. Canada
Default

Asar talaga ko....

Buti nalang nandiyan kayo, mga kaibigan at kabayan ko. Sana pwede tayo mag inuman together. Gusto ko mag lasing...
amcutem is offline        Reply With Quote
Old 05-12-2009, 06:41 AM   #6
Sundance_kid
Registered Users
 

Join Date: Jan 2009
Location: Manila
Default

Tara inuman na!!! may RED HORSE dyan???
Sundance_kid is offline        Reply With Quote
Old 05-12-2009, 10:22 AM   #7
amcutem
Registered Users
Thread Starter Thread Starter
 

Join Date: Feb 2009
Location: B.C. Canada
Default

Green horse meron ako. If you know what i mean....I just need zigzags
amcutem is offline        Reply With Quote
Old 05-14-2009, 09:07 AM   #8
regiepogi
Registered Users
 
Posts: 189
 

Join Date: Apr 2007
Location: Philippines
Default

Oy oy oy san tayo pwe-pwesto! Game na! Magpapa inom daw si amcutem! Dito hindi nawawalan ng Red Horse. May happy horse pa nga eh.

On a more serious note... Basically, tatlo ang pwede maging dahilan kung bakit tayo nagkaka crash. Isa dun ay mechanical failure. Poor setup ay dyan papasok.

Pangalawa ay ang pilot error. Kung sana lang na meron na sana ko sim nung nag sisimula pa lang ako, sana hindi ako gumastos ng malaki sa mga crash parts. Dito sa atin, lintik ang kantsawan sa field. O tic-toc naman dyan... O chaos naman dyan! Mga ganun tipo. Pero ako, hindi ko tinitira yung maneuver na hindi ko pa perfect sa sim. Kahit papano matagal-tagal na din ako hindi nagka-crash ng dahil sa pilot error. Hindi sa pagbubuhat ng sariling banko, pero it's just a lesson which I learned the hard way, and wanted to share. Basta hindi pa kaya sa sim, huwag munta tirahin sa tutoo. Kung hindi na nagka-crash sa sim dun sa bagong manuever, pwede na gawin sa totoo pero taasan lang para lagi malaki ang room for bail out.

Pangatlo, ay iyong halos hindi natin kontrolado na dahilan. Iyon ay ang factory defect na parts na nalintikan sa QA department. Tulad nung Trex700 ko. Sa ika-14 na lipad, nagtotono ko ng karburador at naiba klima ng panahon. Alam nyo naman dito sa atin. Kanina mainit ngayon malamig. Malamig ka ng start ng makina bigla iinit. Upright hover ako mga 20-30feet. Akalain mo bang mag boom strike ng naka upright hover? San ka naka kita ng ganon? Wala! Lintik na plastic linkage pala ng batch ng T700 na nakuha ko. Malutong ang plastic link. Bumigay mag isa habang naka hover. Biyak YS 91 ko, basag radix ko na nasa pitong libo ang isang pares dito. Putol buntot at kung ano-ano pa nawasak. Isipin nyo yun? I had to pay for someone else's mistake. Saklap di ba? At tatlong linggo pagkatapos ko mag crash ng dahil sa malutong na linkage, nag labas ang Align ng upgrade ng link. O di ba?

Obvious na may himutok din ako sa mga kapalpakan ng iba-ibang heli. Well, wala naman perpekto na heli. Kahit yung Compass may mga kapalpakan din. Ang isang maganda lang dyan, naglalabas talaga sila ng update. Pero ang isang gusto ko sa compass, yung nakuha ko bad batch na clutch shoe ng knight 3d, pinalitan ng compass free of charge. Pati spindle na bad batch, pinalitan ng free of charge. Ewan ko lang sa ibang brand kung meron din ganon klase na "customer support."
regiepogi is offline        Reply With Quote
Old 05-14-2009, 11:22 PM   #9
Sundance_kid
Registered Users
 

Join Date: Jan 2009
Location: Manila
Default

Yep.. Yep! tama SIM!! SIM SIM!!!, pag uwi galing work SIM pra di na wawala orientation, tapos bago palipad sim muna para ok mapractis ang move na balak iexecute, SIM para ang muscle memory ng kamay ma sharpen at mabuhay, hehehe ewan ko kung totoo muscle memory pero parang ganun ehh ung tipong dikana isip kilos ka nalang free flowing

sa sim nakaka pag fig. 8 na ako una tail pero sa tunay nakaktakot parin

ang status ko ngaun sa tunay aral palang noose-in w/ anti crash kit parin :o

so musta kana Amcutem nakapag lasing kanaba??? hehehe
Sundance_kid is offline        Reply With Quote
Old 05-15-2009, 12:49 AM   #10
amcutem
Registered Users
Thread Starter Thread Starter
 

Join Date: Feb 2009
Location: B.C. Canada
Default

Ok lang ako dito mga kabayan. Eto, finally, malapit ko na uli maayos yung HK450 ko. Gumastos ako 50$Cad. It's not too much money if it only happens once in a while, pero minsan sunod-sunod. Katulad ngayon.

I feel more paranoid now, parang wala na kong tiwala magpalipad. Hindi naman kasi ako may kasalanan. Etong huling crash ko, bigla na lang nawalan ako ng control. Tapos di ko alam ko ano ng yari. Tapos gumagana naman lahat? Ewan ko. Ciguro next time hover muna ko full pack, pero mababa lang.

Sundance Kid. Hindi pako lasing. Wala kaci ako makainuman dito eh....Boring. Kaibigan ko lang sarili ko, gf ko, saka ermats ko. Gusto lang nila TFC. Which is good.

Pero nakapag Happy Horse na ko. Hindi na nga ako makahinga eh....lol

Ganong kadalas kayo magpalipad?

Sana talaga, balang araw, mag karon ako ng mas malaking helicopter. Sana Nitro. Badtrip lang hindi mo pwedeng palipadin kahit saan. Ingay at laki kasi eh. Atleast ung HK450 ko, pag may tinamaan takbo nalang ako.

Knock on wood...
amcutem is offline        Reply With Quote
Old 05-15-2009, 12:19 PM   #11
Sundance_kid
Registered Users
 

Join Date: Jan 2009
Location: Manila
Default

Amcutem, Nakapag Green, Happy Horse na?? ligal daw yan dyan ahh hehehe ,

teka bro matanung routing ng antenna mo kasi minsan mawawalan ka control pag malapit yan sa ESC, BATT and motor dahil maiingay sa frequency yan mga yan, wait hanap ko site antenna routing and pag kulot ng servo wires, yes! pag kulot ng servo wires kelangan ng rollers HAHAHA joke.

eto kita kona

http://www.helihobby.com/html/helicopter_wiring.html

http://rc-cam.com/ant_exp.htm

kapatid ko sa school gawa sila robot kulot or tirintas nila mga servo wires nila dilang daw pang pa-iksi pang pa menos din daw emit frequency lalo na raw tail servo natin galaw ng galaw dahil sa input ng Gyro

diko makita site sa battle bots ahh may mas magada paliwanag ng dun ng routing ng wires para sa mga RC

Gano ako kadalas mag palipad or GANO KADALAS ANG MINSAN?? hehehe parang pinikula yun ahh!! palipad ako sa park dito samin saturday and sunday 9am and 2:30pm mahihina hangin dito samin nyan hehhee at walang tao
Sundance_kid is offline        Reply With Quote
Old 05-15-2009, 01:37 PM   #12
amcutem
Registered Users
Thread Starter Thread Starter
 

Join Date: Feb 2009
Location: B.C. Canada
Default

Tama ka diyan, medyo legal nga green horse dito. Basta wag lang masyado bulgar, saka di nakikita ng mga parak. Pag nahuli ka, papatapon nila, oh kaya sila mismo mag tatapon ng greenhorse mo. Ok lang, basta walang jail time.

As far as the antenna goes, Rx ko ay isang Ar6100. So ung antenna niya maiksi lang. Doon ko siya nilagay sa ilalim ng tail block. Dapat duon ko lalagay yung gyro, pero sa harap ko na lang nilagay. Mas kasya kasi yung Rx, maliit lang. Ok lang naman ung gyro ko sa harap, atleast na pro-protektahan siya ng canopy.

Kagabi, excited ako dahil kumpleto na uli yung parts ko para mabuo yung heli ko. Pero minalas nanaman ako. Nung kinakabit ko na yung tail boom, naipit yung belt, naputol tuloy. Bwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! !!!!!!!!!!!!! Malas!!!!

TANGA KO!

It's 11am now here. Isang oras nalang, bukas na yung Hobby store. Bili ako ng belt.


Ok na uli. Naka punta na ako sa hobby store at nakabili ng belt. Ayos na uli yung helicopter ko. Nakapagpalipad ako ng 4 packs, thanks god without any mishap. Ano kaya talaga nangyari nung last time?

Kinabitan ko narin ng wire ung tail boom saka ung frame na papunta sa negative terminal. Sana malaki maitulong nito.

Sarap magpalipad ng heli. Gusto ko sana mataas na mataas, pero baka may mangyari masama.

Kayo, ganong kataas nyo pinapalipad helicopter nyo?

Last edited by amcutem; 05-15-2009 at 10:55 PM..
amcutem is offline        Reply With Quote
Old 05-16-2009, 01:35 AM   #13
Sundance_kid
Registered Users
 

Join Date: Jan 2009
Location: Manila
Default

baka naiinitan gyro mo sa harapan. kaya posible ka mawalan control sa tail mo,

pero oki naman na! masaya ako for you

palipad ko 20ft lang muna,

kaw san kapa palipad dyan??

sa LHS nyo dyan pwede tumambay?? chichatin ang technicial nila??
Sundance_kid is offline        Reply With Quote
Old 05-16-2009, 11:40 AM   #14
amcutem
Registered Users
Thread Starter Thread Starter
 

Join Date: Feb 2009
Location: B.C. Canada
Default

Minsan, punta ko sa elementary or sa highschool park dito sa neighbourhood namin. its about 5 min. walk.

Pero lately, dito lang ako palipad sa tapat ng bahay. Puro hover lang.

Around 10 - 50 feet.

Hahapon, hover ako around 20 feet, tapos punta ko sa ilalim ng heli. Wow, sarap. Lakas ng moving electric fan ko. Ok to pag maiinit na. Kailangan ko nga lang magsuot ng Hard Hat.

Pero hanep, sarap mag palipad ng helicopter.

Hindi dito uso yung tambay sa LHS. Yung attendant/owner kasi isa lang, chinese, di masyado marunong mag english. Walang kwenta kausap. Pero grabe, ewan ko kung tama yung nakita ko. Parang nakita ko presyo nung 401 gyro sa store nya 389.00$ . Ganun ba talaga kamahal tunay na GY401? Gsto ko sana tanong kung may kasama bang elesi yung gyro? Sama ko no?

Last edited by amcutem; 05-21-2009 at 01:46 AM..
amcutem is offline        Reply With Quote
Old 05-17-2009, 01:37 PM   #15
roel_gatchalian
Registered Users
 
Posts: 29
 

Join Date: Jan 2008
Location: Bulacan, Philippines
Default

Quote:
Originally Posted by amcutem View Post
Minsan, punta ko sa elementary or sa highschool park dito sa neighbourhood namin. its about 5 min. walk.

Pero lately, dito lang ako palipad sa tapat ng bahay. Puro hover lang.

Around 10 - 50 feet.

Hahapon, hover ako around 20 feet, tapos punta ko sa ilalim ng heli. Wow, sarap. Lakas ng moving electric fan ko. Ok to pag maiinit na. Kailangan ko nga lang magsuot ng Hard Hat.

Pero hanep, sarap mag palipad ng helicopter.


ano gamit mong gyro kabayan? ganyan talaga minsan, ako nga di na mabilang ang mga crash ko, hindi pa sa akin yung heli he he he! sa customer mas masarap magassemble ng bago kesa magrepair. mga tao pa d2 pabaya sa mga heli. try ko mag post ng mga picture ng mga settings ko sa heli pag may free time ako baka may maitulong.madami lng ako gawa ngaun. regards dyan. have a good and safe flight.
roel_gatchalian is offline        Reply With Quote
Old 05-17-2009, 05:37 PM   #16
amcutem
Registered Users
Thread Starter Thread Starter
 

Join Date: Feb 2009
Location: B.C. Canada
Default

Quote:
Originally Posted by roel_gatchalian View Post
ano gamit mong gyro kabayan? ganyan talaga minsan, ako nga di na mabilang ang mga crash ko, hindi pa sa akin yung heli he he he! sa customer mas masarap magassemble ng bago kesa magrepair. mga tao pa d2 pabaya sa mga heli. try ko mag post ng mga picture ng mga settings ko sa heli pag may free time ako baka may maitulong.madami lng ako gawa ngaun. regards dyan. have a good and safe flight.

Buti na lang naitanong mo sakin and tungkol sa gyro ko. Ang gamit kung gyro ay isang 401 clone. Galing sa Dealextreme, 30$ lang. Namamahalan kasi ako sa tunay na 401gyro. Grabe presyo nun. Worthed ba bllin yun?


Mga pare, galing ko talaga mag palipad. Kahapon pati yung damohan pinalipad ko, tumama tuloy sa heliocopter. So eto, wasak nanaman. > http://www.helifreak.com/showthread.php?t=139360
Kung ganong man kasarap mag palipad ng helicopter, parang ganong din kasakit pag nag crash. Pero ok lang. Ang tagal ko nakapagpalipad kahapon, bago mag crash. Mga 10 packs.
amcutem is offline        Reply With Quote
Old 05-19-2009, 01:51 PM   #17
roel_gatchalian
Registered Users
 
Posts: 29
 

Join Date: Jan 2008
Location: Bulacan, Philippines
Default right equipment funflying / wrong equipment crash and burn

Quote:
Originally Posted by amcutem View Post
Buti na lang naitanong mo sakin and tungkol sa gyro ko. Ang gamit kung gyro ay isang 401 clone. Galing sa Dealextreme, 30$ lang. Namamahalan kasi ako sa tunay na 401gyro. Grabe presyo nun. Worthed ba bllin yun?


Mga pare, galing ko talaga mag palipad. Kahapon pati yung damohan pinalipad ko, tumama tuloy sa heliocopter. So eto, wasak nanaman. > Another crash again - HeliFreak

Kung ganong man kasarap mag palipad ng helicopter, parang ganong din kasakit pag nag crash. Pero ok lang. Ang tagal ko nakapagpalipad kahapon, bago mag crash. Mga 10 packs.

ok ang magtipid, pero minsan sa ating pagtitipid lalo tayo napapagastos madami nman mura pero magandang brand di baleng china basta orig at di clone ng kun ano man. di ba?
roel_gatchalian is offline        Reply With Quote
Old 05-20-2009, 01:55 AM   #18
amcutem
Registered Users
Thread Starter Thread Starter
 

Join Date: Feb 2009
Location: B.C. Canada
Default

Tol, di ko talaga kaya pa bumili ng tunay na gy401. Cguro sa future na. Bumili na lang uli ako ng Clone 401 gyro. Pero yung servo, bumili ako ng ok. HS65MG, tatlo para sa cyclic. Ang bilis kasi masira nung HXT900. Pero ok naman, basta walang crash. Tapos, bumili na rin ako ng metal head and tail.

Mas matipid sa crash saka mas maganda ba talaga lipad kapag naka metal head and tail ung HK450 ko. Lagi kasing bali lahat pag plastik eh. Pati bulsa ko bali.

Mga tol, May naka gamit na ba sa inyo ng MYSTERY ESC 40AMP? Bumili kasi ako... Trip lang.....

Last edited by amcutem; 05-20-2009 at 08:28 PM..
amcutem is offline        Reply With Quote
Old 05-20-2009, 11:37 AM   #19
Sundance_kid
Registered Users
 

Join Date: Jan 2009
Location: Manila
Default

Metal Head = makakalimutan mo ang bad blade traking wag lang bibigay kagad ang rubber o-rings

Metal tail = wow ang pogi at ang dulas-dulas hehehe

Kaingit naman mga servo mo hehehe target ko rin yan ipon-ipon!!! sideline sideline, sisgaw muna ako sa kalye AAAaahh GAWA Computer, AAAaa Gawa Komputer... parang gawa payong..

MYSTERY ESC 40AMP- yan bayung black??? wala pag program or ilang lang maproprogram mo?? - meron d2 nyan pero nagintay nalang ako makaipon para sa Hobby-Wing 40A ver.3 gada naman Hobby-Wing
Sundance_kid is offline        Reply With Quote
Old 05-20-2009, 03:27 PM   #20
roel_gatchalian
Registered Users
 
Posts: 29
 

Join Date: Jan 2008
Location: Bulacan, Philippines
Default

Quote:
Originally Posted by amcutem View Post
Tol, di ko talaga kaya pa bumili ng tunay na gy401. Cguro sa future na. Bumili na lang uli ako ng Clone 401 gyro. Pero yung servo, bumili ako ng ok. HS65MG, tatlo para sa cyclic. Ang bilis kasi masira nung HXT900. Pero ok naman, basta walang crash. Tapos, bumili na rin ako ng metal head and tail.

Mas matipid sa crash saka mas maganda ba talaga lipad kapag naka metal head and tail ung HK450 ko. Lagi kasing bali lahat pag platic eh.

Mga tol, May naka gamit na ba sa inyo ng MYSTERY ESC 40AMP? Bumili kasi ako... Trip lang.....
ok lng yan basta hinayhinay lng sa pagpractice. halos ganun din naman set up nyan di nga lng siguro sing solid lock ng 401 pero sa ngayon napaka dami ng naglabasan na gyro. may logitech 2100 at 6100, solid g at mini g ni curtis na maganda din mag perform, spartan 760, at madami pa kaya madami na choices. ok yan upgrades mo mas maganda magiging lipag nyan wag mo lng lalagyan ng oil yung o ring damper para hindi mabilis masira, baby powder lng ok na yan.
roel_gatchalian is offline        Reply With Quote
Reply




Unregistered
Go Back   HeliFreak > R/C Helicopters > International Helicopter Support Forums > Filipino


Filipino Filipino speaking Forum

Thread Tools
Display Modes

Posting Rules
You may not post new threads
You may not post replies
You may not post attachments
You may not edit your posts

BB code is On
Smilies are On
[IMG] code is On
HTML code is Off

Forum Jump


Copyright © 2004-2015 by RCGroups.com, LLC except where otherwise indicated. The HeliFreak.com logo is a trademark of RCGroups.com, LLC.